Laguna de Bay, kontamindo ng microplastics; CCC, umaapela sa mga industriya sa paligid ng lawa na ayusin ang kanilang industrial waste

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananawagan ang Climate Change Commision (CCC) sa mga industriya na nago-operate sa Laguna Lake na maging maayos sa pagdi-dispose ng kanilang industrial waste, na kadalasang napupunta o nakakaapekto sa ecosystem ng lawa.

Pahayag ito ni CCC Commissioner Albert dela Cruz kasunod ng mga ulat na mayroong mataas na concentration ng microplastic na natagpuan sa Laguna de Bay.

Lumalabas sa pag-aaral ng Mindanao State University (MSU) na ang 900-square kilometer water ng Laguna de Bay, ay kinakitaan ng harmful microplastics na mayroong masamang epekto sa tao at marine life.

Babala ng mga eksperto, ang microplastic ay mayroong indirect effect sa tao.

Ayon kay Commissioner dela Cruz, dapat na pag-igting pa ang hakbang sa pagtugon sa mga usaping nakakaapetko sa food at human security sa bansa, hindi lamang para sa epekto ng pagbabago ng panahon.

“We must intensify our convergence to address the negative impacts of plastics and microplastic pollution in Laguna de Bay. If we will not do the necessary action, it will severely affect public health, food production and the livelihood of our fisher folks. Buhayin natin ang Lawa ng Laguna, bubuhayin din tayo ng lawa,” —dela Cruz.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us