Kasunduan sa pagbuhay ng turismo sa mga insurgency-free na lugar sa Mindanao, nilagdaan ng DND, DOT at DILG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magtutulungan ang Department of National Defense (DND), Department of Tourism (DOT) at Department of Interior and Local Government (DILG) para buhayin ang turismo sa mga insurgency-free communities sa Mindanao.

Ito ang nilalaman ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng tatlong kagawaran na nilagdaan ni DND Undersecretary Angelito M. De Leon, na kumatawan kay DND OIC Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr., DOT Secretary Maria Esperanza Christina Garcia Frasco, at DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. sa Zamboanga City.

Sa kanyang mensahe na binasa ni Usec. De Leon, sinabi ni Galvez na ang kasunduan ay pagtiyak ng commitment ng DND sa pamamagitan ng Armed Forces of the Philippines, na pangalagaan ang pambansang seguridad kasabay ng pagsuporta sa social and economic development.

Tiniyak naman ni DILG Sec. Abalos ang suporta ng kanyang kagawaran sa pagsiguro na may sapat na seguridad ang PNP sa mga tinukoy na potential tourist destinations.

Sinabi naman ni DOT Sec. Frasco na ang partnership ng tatlong kagawaran ay isang malaking hakbang sa pagtuklas ng malaking tourism potential ng Mindanao. | ulat ni Leo Sarne

📸: DND

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us