Paghiwalay ng Internal Affairs Service sa PNP, supportado ni DILG Sec. Abalos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng suporta si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. sa planong ihiwalay ang Internal Affairs Service (IAS) sa Philippine National Police upang mas epektibo nitong magampanan ang kanyang mandato.

Ito ang sinabi ni kalihim sa isang ambush interview matapos pangunahan ang paglulunsad ng Buhay Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA) program Sports and Cultural Fest sa Camp Crame ngayong umaga.

Tanong ng kalihim, paano epektibong magagawa ng IAS ang kanyang mandato na kasuhan ang mga tiwaling opisyal ng PNP kung mga amo nila ang iimbestigahan nila.

Ang pahayag ng kalihim ay kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa ilegal na droga ng ilang matataas na opisyal ng PNP, at ang pagkakabalik sa PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ng ilang mga pulis na dati nang may kaso sa ilegal na droga.

Ayon kay Abalos, bumuo na siya ng isang team para pag-aralan kung paano mapapalakas ang mga disciplinary measures ng PNP, partikular ang IAS at National Police Commission (NAPOLCOM) para maiwasan ang mga ganitong insidente sa hinaharap. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us