PDEA at BJMP, nagsagawa ng greyhound operations sa Metro Bacolod District Jail

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para matiyak na drug free ang jail facilities sa Western Visayas, isang Greyhound Operations ang ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Negros Occidental Provincial Office at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Metro Bacolod District Jail-Male Dorm.

Sa ikinasang operasyon, nagsagawa ng inspeksyon ang mga operatiba para malaman kung may iligal na droga o kontrabando sa kulungan.

Bukod sa search and seizure operation, isinailalim naman sa random drug test ang 23 persons deprived of liberty (PDLs).

Sa lumabas na resulta, lahat ng PDLs ay negatibo sa paggamit ng iligal na droga.

Negatibo rin sa kontrabando at iligal na droga ang piitan.

Ang Greyhound Operations ay bahagi ng commitment ng BJMP at PDEA para matiyak na malaya sa iligal na droga ang mga piitan. | ulat ni Paul Tarrosa | RP Iloilo

📸 PDEA-6

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us