Nangyaring pamamaslang sa mamamahayag sa Oriental Mindoro, pinatututukan ng DILG sa PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit na pinatututukan ni Department of the Interior and Local Government o DILG sa Philippine National Police o PNP ang kaso ng pamamaslang sa mamahayag na si Cresenciano Bunduquin sa Oriental Mindoro.

Sa isinagawang BIDA program sa Kampo Crame, sinabi ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr na kaniya nang ipinag-utos kay PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. na tiyaking mapananagot ang nasa likod ng krimen.

Magugunitang iniulat kamakailan ng Oriental Mindoro Provincial Police Office na nasawi ang isa sa mga sakay ng motorsiklo na nanambang kay Bunduquin na kinilalang si Narciso Ignacio Guntan habang nananatiling “at large” ang kasama nito.

Ito ang dahilan ayon sa PNP kaya’t nagpapatuloy ang ginagawa nilang follow up at hot pursuit operations laban sa isa pang salarin sa krimen na siyang susi upang makamit ng pamilya Bunduquin ang katarungan.

Una nang tiniyak ni PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. na nananatiling ligtas ang mga mamamahayag sa Pilipinas at ang kaso ni Bunduquin ay itinuturing nilang isolated batay na rin sa imbestigasyon ng binuong Special Investigation Task Group o SITG. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us