Pinagtutulungan ng Japan International Cooperation Agency (JICA), Department of Information and Communications Technology (DICT), at International Telecommunication Union (ITU) ang pagpapalakas ng cybersecurity sa mahahalagang serbisyo ng bansa gaya ng tubig, enerhiya, pananalapi, kalusugan, at transportasyon.

Sa pamamagitan ng apat na araw na pagsasanay, pinalalakas ng mga ahensya ang kakayahan ng gobyerno na matukoy at tugunan ang cyber threats, partikular sa National Computer Incident Response Team (NCIRT). Kabilang sa mga tinalakay ang pagbuo ng epektibong Computer Incident Response Team, mabilisang komunikasyon sa panahon ng cyber crisis, at tamang hakbang sa pagtugon sa cyber incidents.

Layon ng proyekto na pahusayin ang kaalaman ng mga kawani ng gobyerno at palakasin ang depensa ng bansa laban sa lumalalang banta ng cyberattacks sa digital infrastructure at pampublikong serbisyo. | ulat ni EJ Lazaro