Maiiuwi na sa Samar ang labi ni Christian Tendido Ambon mula sa isang punerarya sa Sta. Cruz, Manila, matapos mabigyan ng tulong ng PCSO ang kaniyang pamilya.

Si Christian ay isang criminology graduate na lumuwas lamang ng Maynila upang mag-apply ng trabaho bilang security guard.
Disgrasya naman ang inabot nito matapos kuyugin ng mga residente makaraang mapagkamalan na isang snatcher sa Maynila.
Personal naman na tumanggap ng tulong pinansyal mula kay PCSO General Manager Melquiades Robles upang mai-release na ang labi nito sa punerarya.
Malaki naman ang pasasalamat ng pamilya nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at PCSO sa tulong sa kanilang pamilya. | ulat ni Rigie Malinao
PCSO