Kaso ng dengue sa Quezon City, patuloy na tumataas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa 917 ang kaso ng dengue ang nai-report sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) mula Enero 1 hanggang Mayo 27 ngayong taon.

Tumaas ito ng 100.22 porsiyento o 459 dengue cases kumpara noong nakalipas na taon.

Ang District 4 pa rin ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso na umabot sa 212 at District 2 naman ang pinakamababa na may 97 na kaso.

Samantala ang Barangay Tatalon naman ang may pinakamaraming nagkasakit ng dengue na umabot ng 61, sunod ang Pasong Tamo na may 37, Bahay Toro na may 33 kaso, Tandang Sora 32 at Commonwealth na may 30 kaso.

Nanatili pa rin sa isa ang kaso ng nasawi at naitala sa District 4.

Payo pa ng CESU, sinuman ang makakaramdam ng sintomas ng dengue ay kaagad na pumunta sa pinakamalapit na Health Center o pagamutan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us