Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na gagalangin ng mga pulis ang karapatang pantao ng mga magsasagawa ng rally sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ng PNP Chief na pinaghahandaan na nila ang seguridad para sa SONA ng Pangulo sa Hulyo 24, at kasama sa plano ang pagbibigay ng briefing sa mga pulis sa usapin ng human rights.
Sinabi naman ng PNP, na papayagan ang mga magpoprotesta sa mga designated na lugar at kung saan sila pahintulutan ng mga mayor.
Nanawagan naman ang PNP Chief sa mga balak na sumama sa mga rally, na huwag mamato ng pintura sa mga pulis.
Ayon kay Acorda ito ay hindi lang dahil sa dagdag-gastos din sa mga pulis na bumili ng bagong uniporme, kung hindi bilang pagrespeto narin sa uniporme ng pulis. | ulat ni Leo Sarne