Higit 7,000 trabaho, iaalok ng Makati LGU para sa isasagawa nitong Job Fair

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Makati ng Job Fair sa darating na Huwebes bilang pagdiriwang sa ika-353 Founding Anniversary ng lungsod.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, isasagawa ang nasabing job fair sa Ayala Malls Circuit mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Ang nasabing job fair ay mag-aalok ng 7,400 bakanteng trabaho mula sa 53 kumpanya mula sa iba’t ibang industriya upang tugunan ang kawalan ng trabaho at suportahan ang paglago ng lungsod.

Ang mga bakanteng trabaho ay mula sa maraming larangan tulad ng finance, information technology, hospitality, retail, healthcare, customer service, engineering, at marami pang iba.

Hinihikayat ang mga jobseekers na mag-pre-register upang masiguro na maging maayos ang karanasan ng mga jobseekers at employer. Nagpaalala ang alkalde na magdala ng kanilang updated resume, valid ID, at iba pang dokumentong magpapabilis sa hiring process ng mga employer.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us