Volume ng sasakyan sa EDSA, nakapagtala ng record high — MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagtala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng record high sa volume ng mga dumadaang sasakyan sa EDSA nitong nakaraang buwan.

Ayon kay MMDA Chair Atty. Romando Artes, as of May 22 nasa mahigit 425,000 na ang bilang ng mga sasakyan bumabagtas sa EDSA.

Mas mastaas ito kumpara noong pre-pandemic level na nasa mahigit 405,000 lamang.

Dagdag pa ni Artes na ito na ang pinakamataas na volume ng sasakyan na bumabagtas sa naturang kalsada sa kasaysayan ng MMDA.

Kaugnay nito, tumaas naman ang speed o bilis ng takbo sa EDSA na nasa 21 kilometers per hour sa northbound at southbound na nasa 24 kilometers per hour. Mas mataas ito kumpara noong pre-pandemic level na umaabot lamang sa 11 to 13 kilometers per hour. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us