Bumaba ng 38.18% ang crime incident sa lungsod ng Malabon para sa unang tatlong buwan ng 2025.
Sa datos ng Malabon City Police Station (MCPS), bumaba sa 34 ang bilang ng krimen sa Malabon sa unang tatlong buwan ng 2025 mula sa 54 insidente na naitala noong huling quarter ng 2024.
Ipinagmalaki rin ng MCPS ang malaking tagumpay sa kampanya nito kontra iligal na droga, kung saan nakasamsam ito ng tinatayang ₱6-na milyong halaga ng iligal na droga mula sa 86 na operasyon kung saan 107 suspek ang naaresto.
Ipinagmalaki naman ni Mayor Jeannie Sandoval ang pagpapanatili ng MCPS sa kaayusan at kapayapaan sa lungsod.
Sa panig ng LGU, tiniyak rin nito ang patuloy na suporta sa Kapulisan kabilang dito ang pamamahagi ng iba’t ibang kagamitan at sasakyan at dagdag na cash subsidy. | ulat ni Merry Ann Bastasa