Bumaba muli ang 7-day positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19 sa Metro Manila, ayon yan sa OCTA Research Group.
Sa datos na inilabas ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, as of June 6 ay naitala sa 14.6% ang positivity rate sa NCR, mas mababa mula sa 19.9% noong May 30.
Ayon kay David, habang patuloy na ang pagbaba ng COVID cases sa rehiyon ay posibleng maging mas mababa na na rin sa 10% ang covid positivity rate sa NCR sa susunod na linggo.
Kaugnay nito, maging ang hospital bed occupancy sa NCR ay bumaba na rin sa 25.5% mula sa 28.8% noong nakaraang linggo. | ulat ni Merry Ann Bastasa