DTI, hinigpitan ang mga vape shop sa NCR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniutos ng Department of Trade and Industry ang mas mahigpit na monitoring ng vape shops sa National Capital Region upang masiguro na naipapatupad ng maayos ang Republic Act 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.

Layunin nitong balansehin ang interes ng mga negosyante at mga manufacturer at protektahan rin ang mga kabataan mula sa mga nakakapinsalang sangkap.

Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, mayroon nang 583 physical store at 28, 584 na online stores ang kanilang na-monitor.

Sa bilang na ito, 229 physical store at 175 online stores lamang rito ang sumusunod habang 26,986 online stores ay sumasailalim pa rin sa physical validation.

Bilang resulta, 72 na mga tindahan ang inisyuhan ng DTI ng show cause order at nakakumpiska rin ang ahensya ng nasa 13,784 na mga vape products na aabot sa ₱4.2 million.

Nakapagsampa ang Adjudication Division ng DTI Fair Trade Enforcement Bureau ng 74 na formal charges, kung saan 73 sa mga ito ay isinampa laban sa mga physical store at 1 laban sa isang online store.

Patuloy na nagmo-monitor ang DTI sa mga pangunahing social media at e-commerce platform upang matiyak na hindi makakabili ang mga menor de edad ng mga vape products online. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us