VP Sara Duterte, nagkaloob ng ₱300k na puhunan sa isang women’s group

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Vice President Sara Duterte ang isang grupo na nalampasan ang hamon ng digitalization at pagiging mahalagang katuwang ng gobyerno sa paglago ng mga kababaihan.

Sa kanyang pagdalo sa 18th General Assembly ng Philippine Federation of Local Councils of Women Inc. sa Pasay City, sinabi ni VP Sara na panahon na para iangat ang kapasidad ng mga kababaihan at bigyan sila ng kasanayan, kaalaman at resources para makasabay sa nagbabagong mundo.

Ibinahagi rin nito ang national government initiative na The Women-Helping-Women: Innovating Social Enterprises Program na gumagamit ng teknolohiya bilang plataporma upang siguruhin ang tagumpay ng entrepreneurial projects ng kababaihan.

Nagkakaloob aniya ang grant program ng gender-focused support sa mga negosyanteng babae tulad ng start-up incubation, mentoring, business support, capacity building, marketing at market validation.

Naghandog naman ang pangalawang pangulo ng ₱300.000 puhunan sa PFLCW bilang bahagi ng OVP program na “Mag Negosyo Ta ‘Day”.

Tutukuyin ng OVP ang pinakamahusay na proposal para sa mga miyembro ng pederasyon upang matiyak na mapakikinabangan ng group beneficiary ang capacity-building at seed money sa pagsisimula ng negosyo. | ulat ni Hajji Kaamiño

📸: OVP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us