Pagtaas ng bilang ng pagyanig sa Bulkang Taal, di dapat ikabahala — PHIVOLCS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagtala ng 11 volcanic earthquakes kabilang na ang pitong volcanic tremors ang Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras.

Hindi hamak na mas mataas ito sa apat lamang na volcanic earthquakes na naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa inilabas na summary report nito kahapon.

Wala namang dapat ipag-alala ayon kay Science Research Specialist Eric Arconado dahil maiikling tremors lamang ito na tumatagal ng tatlo hanggang limang minuto, kumpara sa sunod-sunod na tremors noong nakaraang linggo.

Una nang ipinaliwanag ng PHIVOLCS na itinuturing na complex volcano ang Bulkang Taal kaya’t complex din ang behavior nito dahilan kaya pabago-bago ang seismicity o naitatalang pagyanig ng lupa dulot ng bulkan, at ibinubugang gas mula sa bunganga nito.

Bagama’t nananatili sa Alert Level 1 ay umabot rin sa 1,200 metro ang taas ng pagsingaw ng Bulkang Taal. | ulat ni Hazel Morada

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us