Nagsimula na ang lava flow activity o pag-agos ng mainit na lava mula sa crater summit ng Bulkang Mayon, ayon yan sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Batay sa 24-hour monitoring nito, aabot sa 21 volcanic earthquakes ang naitala sa bulkan.
Umakyat rin sa 260 ang rockfall events at mayroong tatlong pyroclastic density current events o pagdausdos ng magkahalong abo, mainit na bato, at volcanic gas sa Bulkang Mayon.
Bukod dito, patuloy ring nakikita ang banaag o crater glow sa bunganga ng bulkan.
Sa ngayon, nanatili sa ilalim ng Alert Level 3 (increased tendency towards a hazardous eruption) ang estado ng Bulkang Mayon kaya patuloy ipinagbabawal ang pagpasok sa 6 kilometer radius permanent danger zone. | ulat ni Merry Ann Bastasa