Hanggang ala-1:30 nitong hapon aabot na sa 31 job applicants ang hired on the spot sa Kalayaan Job Fair sa SM Novaliches.
Ayon kay Quezon City Public Employment Service Office District 5 Head Marnelli dela Cruz, mula kaninang umaga nasa 335 na ang mga jobseeker ang nag-aplay ng trabaho.
Nasa 205 dito ay mga lalaki at 130 naman ang babae.
Sinabi naman ni Department of Labor and Employment (DOLE) Senior Labor Employment Officer Johanna Montecino, aabot sa 486 na bakanteng trabaho ang binuksan ngayon sa Job fair na nilahukan ng14 na local companies gayundin ang tatlong overseas companies mula sa Japan at United Arab of Emirates. | ulat ni Rey Ferrer