21 kumpanya, nakilahok sa Kalayaan Job Fair sa Kawit, Cavite

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinitiyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) Cavite na inclusive at para sa lahat ang Kalayaan Job Fair na isinagawa sa Aguinaldo Freedom Park sa Kawit, Cavite.

Ang Kalayaan Job Fair ay bahagi ng pagdiriwang ng 125th Independence Day ng Pilipinas ngayong araw.

Ayon kay DOLE Cavite Provincial Director Marivic Martinez, nasa 21 employer ang nakilahok sa malawakang job fair sa probinsya.

Ang mga job opening ay mula sa POGO industry, online, manufacturing, electronics, at iba pang mga kumpanya.

Samantala, kinausap ni Director Martinez ang isang 41-year old deaf-mute na babaeng aplikante.

Nag-aaply siya bilang housekeeper sa isang agency.

Dahil marunong sa sign language ay nakausap ito ng opisyal.

Sinabihan din nito ang employer na pinagpapasahan ng deaf-mute applicant na bigyan ito ng pagkakataon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us