Ilang lugar sa Taguig City, mawawalan ng tubig mamayang gabi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Lungsod ng Taguig simula mamayang alas-10 ng gabi.

Batay sa inilabas na advisory ng Manila Water, mawawalan ng tubig ang bahagi ng Barangay Palingon at Barangay Ibayo-Tipas, partikular sa kalye ng Daang Manunuso sa may Labao corner Gen. Natividad St.

Ito ay dahil sa isasagawang line meter replacement na magtatagal hanggang alas-kwatro ng madaling araw bukas.

Nagpaalala ang Manila Water sa mga konsumer nito sa mga apektadong lugar na mag-imbak ng sapat na tubig upang may magamit sa oras ng water interruption. | ulat ni Gab Humilde Vilegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us