Bukod sa Bulkang Mayon at Taal ay mahigpit pa ring naka-monitor ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa lagay ng Bulkang Kanlaon sa Negros.
Batay sa 24-hour monitoring ng PHIVOLCS, nakapagtala ito ng tatlong volcanic earthquakes sa bulkan.
Nananatili rin ang pagluwa ng 1,089 tonelada ng asupre o sulfur dioxide sa bunganga ng bulkan.
Sa kabila nito, kumpara kahapon ay mahina lamang ang pagsingaw na na-monitor sa Bulkang Kanlaon bagamat patuloy pa rin ang pamamaga nito.
Sa ngayon ay nasa ilalim ng Alert Level 1 ang Bulkang Kanlaon kaya patuloy na pinapaalahanan ang lahat na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) at ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan. | ulat ni Merry Ann Bastasa