Patuloy na inaapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang sunog sa isang apat na palapag na gusali sa San Antonio, Makati ngayong umaga.
Bandang 6:34 kaninang umaga ng maiulat ang sunog sa lugar, kung saan nagmula sa ikaapat na palapag ng gusali nagsimula ang sunog.
Umabot sa ikaapat na alarma ang nasabing sunog, kung saan 19 na trak ng bumbero at 22 fire volunteers na ang rumeresponde upang apulahin ang apoy.
Tinatayang aabot sa pitong milyong piso ang halaga ng napinsala sa sunog at nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection hinggil sa insidente.
Sa kasalukuyan ay fire under control na ang sunog at hinihintay na lamang na tuluyang maapula ang sunog. | ulat ni Gab Humilde Villegas