Person of Interest sa bomb scare sa Zamboanga City Hall kaninang umaga, nasa kustodiya na ng pulisya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa kustodiya na ng pulisya ang person of interest sa nangyaring bomb scare kaninang umaga sa City hall ng Zamboanga.

Kinumpirma ni City Security Unit (CSU) Chief Christopher Mandi na kanila itong inimbitahan para sa iilang katanungan matapos magsagawa ng pursuit operations ang Police Station 11 sa pakikiisa sa mga tauhan ng CSU.

Ito’y matapos ang background investigation sa numero na nakarehistro sa caller ID ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) kung saan unang natanggap ang impormasyon tungkol sa bomb threat.

Hindi naman ibinunyag ang pangalan ng person of interest sapagkat patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Maalalang isang bomb scare ang gumulantang sa mga empleyado ng City hall matapos makatanggap ng tawag ang CDRRMO, City Legal Office and City Mayor’s Office bago ang alas 9:00 ng umaga kanina na syang nagtulak sa Bomb Squad ng Zamboanga City Police Office upang magsagawa ng pag inspeksyon sa buong gusali ng city hall subalit wala namang nakitang anumang pampasabog o bomba.| ulat ni Bless Eboyan| RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us