Mga operatiba na nakanutralisa sa ISIS-Philippines emir at kanyang sub-leader, binati ng PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binati ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang mga operatiba ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa magkasanib na operasyon na nagresulta sa pagkakanutralisa kay Faharudin Hadji Benito Satar, a.k.a. Faharudin Pumbaya Pangalian o Abu Zacharia, ang lider ng ISIS Philippines at overall AMIR ng Islamic State-East Asia, kahapon ng madaling araw sa Marawi City.

Sa isinagawang follow-up operation nutralisado din ang kanyang sub-leader na si Joharie Sandab, a.k.a. Abu Mursid, na finance officer ng Dawlah Islamiya-Maute Group.
Ayon kay General Acorda, ang pinagsanib na law enforcement operation ay resulta ng nakalap na intelligence information na magpupulong ang dalawang notorious na terorista kasama ang iba pang mga miyembro ng DI-Maute Group sa Barangay Ayong, Pagayawan, Lanao del Sur.

Inatasan naman ng PNP chief ang Provincial Intelligence Team (PIT) ng Lanao del Sur na i-monitor ang mga development sa insidente sa koordinasyon ng Marawi City Police Station.

Nagpasalamat din si Gen. Acorda sa lokal na komunidad sa kanilang patuloy sa suporta sa PNP. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us