DOH sa mga residente ng Albay: Magsuot ng facemask

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa Albay na magsuot ng facemask.

Ito ay matapos na may naitalang 35 respiratory problems ang DOH mula sa mga evacuation center sa Albay.

Sa monitoring ng DOH, ang iba sa mga bakwit ay nakaranas ng ubo, sipon at pananakit ng lalamunan.

Pero bineberipika pa kung ito ay may kaugnayan sa pagkakalanghap ng sulfur dioxide at ashfall.

Ang pagkalat ng respiratory illnesses sa mga evacuation center ang pinangangambahan ng DOH.

Kaya sabi ni DOH Secretary Ted Herbosa, magpapadala sila ng dagdag pang tent sa Albay para makatulong sa decongestion sa evacuation centers. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us