OVP, naghatid ng tulong sa mga nasunugan sa Novaliches, QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng relief assistance ang Office of the Vice President sa mga naging biktima ng sunog sa Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City.

206 pamilya o 1,000 indibidwal ang nakatanggap ng relief boxes mula sa OVP Disaster Operations Center.

Ang bawat relief box ay naglalaman ng sleeping mats, kumot, mosquito nets, hygiene kits, alcohol, face mask at iba pang sanitary items.

Pansamantalang tumutuloy ang mga nasunugan sa Remarville Covered Court matapos ang nangyaring sunog noong Miyerkules ng madaling araw.

Una nang namahagi ng financial assistance ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga nasunugan. | ulat ni Hajji Kaamiño

📷: OVP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us