Matagumpay na nagtapos ang 123 iskolar sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program sa bayan ng Mapun, Tawi-Tawi.
Samantala, ang bilang ng nagtapos sa Capenrty NC II ay 23, habang tig 25 sa Masonry NC II, Plumbing NC II, Electrical Installation and Maintenance NC II, at Bread and Pastry Production NC II.
Ayon sa Provincial Director ng MBHTE-TESD Tawi-Tawi si Maryam Nuruddin, EdD natutuwa siya dahil ito umano ang hudyat ng tagumpay ng mga iskolar.
Ang pagsasanay sa kanila ay magiging puhunan, upang sila ay makapagtrabaho lokal o maging sa labas ng bansa. Ito aniya ay umpisa pa lamang sinisiguro niya na marami pang pagsasanay ang gaganapin sa malayong isla gaya ng Mapun, Tawi-Tawi.| ulat ni Laila Sharee T. Nami| RP1 Tawi-Tawi