Mga police chief sa Metro Manila, pinaalalahanan ng NCRPO na tiyakin ang sapat na tauhan sa kanilang mga istasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa mga police chief sa Metro Manila na tiyakin na sapat ang police personnel na naka-duty sa kanilang istasyon.

Sa surprise inspection ni PMGen. Edgar Allan Okubo sa ilang substation sa Taguig, Makati at Pasay City, naobserbahan niya ang kakulangan sa mga nakabantay na pulis.

Aniya, bagama’t may mga nagmamando sa mga checkpoint ay isang pulis lang ang naiwan sa substation na maituturing na violation of security.

Ayon pa kay Okubo, nagkakaroon ng kakulangan sa police personnel dahil may ilang tauhan na nasa schooling o di kaya ay naka emergency leave.

Giit niyang dapat well managed ang pagdedeploy ng mga pulis dahil halos 10,000 personnel lamang ang nakadestino sa NCRPO.

Napansin din ni Okubo na may ilang SOCO personnel na hindi naka-uniporme habang may ibang istasyon na walang CCTV sa harap ng detention facility kaya pagpapaliwanagin ni Okubo ang kanilang chief of police.

Sa kabila nito, nasusunod ng ilang substation ang mga direktiba ng NCRPO kabilang ang pagtalaga ng babae na pulis bilang desk duty officer at pagtanggal ng TV sa lobby.| ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us