Pilot testing ng ‘impact-based forecasting and warning system’, sinimulan na ng PAGASA sa Metro Manila at Cebu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ngayong sunod-sunod na ang mga pag-ulan sa bansa ay ipinunto ng PAGASA ang kahalagahan ng pagkakaroon ng early warning system para maagang matugunan ang mga tumatamang bagyo at iba pang extreme weather disturbances.

Kaugnay nito, inilunsad ng PAGASA ang ‘impact based forecasting and warning system’ na layong maipabatid sa publiko ang science-based scenarios na posibleng mangyari sa isang lugar na tatamaan ng kalamidad.

Ayon sa PAGASA, sinimulan na ang operational testing ng proyekto sa Metro Manila at Metro Cebu kung saan may impact tables para sa mga forecaster at mga local DRRMO.

Dito, hindi nalang impormasyon tungkol sa weather disturbance ang ibinabahagi ng PAGASA kundi maging ang mga posibleng impact nito na naka-kategorya mula sa minimal hanggang severe depende sa weather disturbance.

Makikita dito ang posibleng epekto sa iba’t ibang sektor gaya sa transportasyon, edukasyon, flood level, mga negosyo, major utilities, livestock at crops pati na ang aasahang casualties.

Nakasaad na rin dito ang mga response na maaaring gawin ng mga LGU at ng publiko.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang PAGASA sa DBM para sa dagdag na pondo upang makapag-hire ng karagdagang manpower at mapalawak na ang operasyon ng proyekto sa susunod na taon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us