Dept. of Tourism, nagbigay ng P200-K livelihood assistance sa community-based tourism organization at tour guides sa Iloilo City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay ang Department of Tourism (DOT) ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng P200,000 sa Nagpana Minorities Association (NAMIAS) ng Barangay Barotac Viejo, sa ginanap na formal turnover ceremony sa Iloilo City.

Ayon sa pangulo ng grupo na si Rachel Mateo, nagpapasalamat ang Aeta Community sa oportunidad na kinilala ang kanilang istorya sa sektor ng turismo.

Para kay Tourism Undersecretary for Legal and Special Concerns Mae Elaine Bathan, patuloy na umuusbong ang turismo sa Pilipinas kaya’t layunin ng kagawaran na magkaroon ng pantay na tourism development sa bansa upang walang mapag-iwanan.

Maliban pa sa NAMIAS, 17 tour guide mula Iloilo City, Boracay Island, at Guimaras ang nakatanggap ng tour guiding kit mula sa kagawaran upang matulungan silang ikalat ang mayamang istorya ng Pilipinas sa mga lokal at banyagang turista. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us