Ipinagdiwang ng Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang kanilang ika-24 na Anibersaryo na may temang “IAS @24: Maaasahang Katuwang ng Pulisya at Pamayanan Para Sa Pagkakaisa, Integridad, at Katarungan.”
Panauhing pandangal sa okasyon na isinagawa sa multi-purpose hall sa Camp Crame ngayong araw si Commission on Audit (COA) Commissioner Mario G. Lipana.
Sa kanyang mensahe, pinuri ni Lipana ang IAS sa pagkamit ng “zero backlog” sa kanilang mga hinahawakang administratibong kaso nitong 2022, na nahigitan ang dati nilang record na 99.65 percent resolution efficiency noong 2021.
Binigyang diin ni Lipana ang kahalagahan ng IAS, sa pagtataguyod ng “accountability” sa Pambansang Pulisya.
Kasundo ng programa, nagsagawa ang IAS ng kanilang command conference sa IAS headquarters para sa 2023, na pinangunahan ni IAS Inspector General Atty. Alfegar M Triambulo, kasama si Deputy Inspector General PBGen Joker T Cuanso. | ulat ni Leo Sarne