Pangalawang suspek sa pagpatay ng mamamahayag sa Calapan, Oriental Mindoro, wala pa ring warrant of arrest

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihintay na lang ng Philippine National Police (PNP) ang paglabas ng warrant para arestuhin ang pangalawang suspek sa pamamaril at pagpatay sa broadcaster na si Cresenciano Bunduquin.

Ito ang paliwanag ni PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan, kung bakit hindi pa rin nahuhuli ang pinangalanang gunman na si Isabelo Bautista Jr. na taga-Bansud, Oriental Mindoro.

Matatandaang nakatakas si Bautista, habang nasawi naman ang kanyang kasama na si Narciso Guntan, matapos habulin ng anak ni Bunduquin na nakasaksi sa ginawa nilang pamamaril at pagpatay sa mamamahayag sa kanyang sari-sari store noong Mayo 31 ng umaga.

Nitong Hunyo 9, sinampahan na ng kasong murder at attempted murder ang naturang suspek.

Una na ring sinabi ng Presidential Task Force on Media Security na bukod sa nasabing gunman ay tinitingnan din nito ang anggulong mayroon pang ibang sangkot sa nasabing pamamaslang. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us