Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay ng isang Mega Job Fair sa June 30, na gaganapin sa Music Hall ng SM Mall of Asia mula 8 AM hanggang 4 PM.
Aabot sa higit 2,000 bakanteng trabaho ang naghihintay para sa mga aplikanteng pupunta sa job fair na lalahukan ng 50 kumpanya.
Mayroon ding one-stop shop na ilalagay ang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng NBI, SSS, Pag-IBIG, PhilHealth, PSA, DTI, at PHLPost.
Para sa mga unang beses o magre-renew ng NBI Clearance ay pinaalalahanang magtungo sa website ng NBI na https://clearance.nbi.gov.ph/ para makapagrehistro.
Nagpaalala rin ang lokal na pamahalaan na huwag kalimutan na magdala ng resume, ballpen, at magsuot ng naaangkop na kasuotan. | ulat ni Gab Villegas