Tribung Mamanwa sa Surigao del Norte, nakabenepisyo sa Pabahay ng NHA Caraga at Claver LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matamis na ngiti ang ipinamalas ng mga benepisyaryo nang pormal na i-turnover sa Mamanwa Community ang 81 housing units sa Sitio Daging, Barangay Urbiztondo sa bayan ng Claver, Surigao del Norte kahapon.

Nasa P20-M ang inilaang pondo para sa proyektong pabahay sa pamamagitan ng Housing Assistance for Indigenous People (HAPIP) Program ng NHA Caraga habang P5-M naman ang counterpart ng Lokal na Pamahalaan ng Claver.

Isa ito sa mga pinayoridad ng LGU Claver para mabigyan ang bawat pamilya ng naturang IP Community ng komportable at ligtas na tahanan.

Pinangunahan nina Engr. Erasme Madlos, Regional Manager ng National Housing Authority o NHA Caraga at Claver Mayor Georgia Gokiangkee ang nasabing turnover ceremony.

Tinanggap naman ito ng Mamanwa Tribal Leader na si Alicio Patac na isa sa mga dumulog sa kanilang tanggapan para magkaroon ng maayos na matitirhan ang kanilang tribu.

Agad namang binigyang-pansin ng NHA Caraga ang kahilingan dahil karamihan sa kanila ay walang kakayahang makapagpatayo ng desenteng bahay dahil sa kahirapan ng buhay.| ulat ni May Diez| RP1 Butuan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us