Kita ng Kadiwa ng Pangulo stores sa iba’t ibang lugar sa bansa, umakyat na sa higit P13-M

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumalo na sa higit P13 milyon ang kita ng Kadiwa ng Pangulo stores sa iba’t ibang lugar sa bansa, simula July 1, 2022 hanggang May 29, 2023.

Pinakamalaking halaga dito, nagmula sa Kawida stores sa Limay, Bataan kung saan pumalo sa P1.6 million ang benta.

Base sa impormasyon ng Department of Agriculture (DA), nasa 335 na ang regular na Kawida ng Pangulo stores sa bansa.

Nasa 264 naman ang mga Kadiwa on Wheel at Kadiwa Pop-up stores na niri-request o iyong walang permanenteng schedule.

Kaugnay nito, una nang tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang DA, patuloy sa paghahanap ng paraan upang mapalakas pa ang produksyon ng agri sector sa bansa, para sa pagpapatuloy ng operasyon ng Kadiwa stores, lalo’t ang produksyon at supply aniya ang hamong kinahaharap ng program.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us