Pagkumpirma ng PNP na NPA ang responsable sa Himamaylan Massacre, malugod na tinanggap ng Phil. Army

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army ang pag-kumpirma ng PNP na ang NPA ang responsable sa tinaguriang Himamaylan Massacre.

Dito’y apat na miyembro ng pamilya Fausto ang brutal na pinatay sa kanilang tahanan Sitio Kangkiling, Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental noong nakaraang linggo.

Ayon kay Lt. Col. Vicel Jan Garsuta, tagapagsalita ng 3rd Infantry Division 3ID, ang resulta ng imbestigasyon ng PNP ay hindi lang “relief” sa mga nagluluksang mahal sa buhay ng mga biktima, kundi maging sa mga sundalo ng 3ID.

Giit ni LtC. Garsuta, ang kanilang mga tropa ay hindi makatarungang inakusahan na sangkot sa insidente ng NPA at kanilang mga kaalyadong grupo, para pagtakpan ang kanilang karumaldumal na krimen.

Ayon sa opisyal, ang masusing imbestigasyon ng PNP na base sa testimonya ng mga testigo at kongkretong ebidensya ang patunay na pawang kasinungalingan laban sa militar ang mga paratang ng NPA at kanilang mga kaalyado.

Tiniyak naman ng opisyal ang “commitment” ng 3ID sa pagtataguyod ng karapatang pantao, at ang kanilang buong suporta sa pagpapanagot sa batas ng mga responsable sa krimen. | ulat ni Leo Sarne

📷: 3ID

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us