Nagsagawa ang Provincial Government of La Union (PGLU) ng Information and Communications Technology (ICT) Proficiency Diagnostic Examination sa PDRRMO Building, San Fernando City, La Union.
Ito’y sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Office of the Provincial Governor-Information and Communications Technology Unit (OPG-ICTU) at Department of Information and Communications Technology (DICT) Region 1.
Alinsunod ito sa pagdiriwang ng National ICT Month ngayong Hunyo.
Ang ICT Proficiency Examination ay isang eligibility test na maaaring ikumpara sa Career Service Professional Examination na isinasagawa ng Civil Service Commission.
Layunin ng eksaminasyon na matuklasan ang kagalingan ng mga indibidwal sa programming, system analysis at design function.
Nakibahagi dito ang 19 katao at ang makakapasa ay sasailalim sa susunod na lebel para sa ICT Proficiency.
Pagkatapos ay magkakaroon ang mga examinees ng pagkakataon na mag-aplika para sa Electronic Data Processing Eligibility na maaaring gamitin upang magkaroon ng permanenteng posisyon sa pamahalaan.| ulat ni Glenda B. Sarac| RP1 Agoo