DOLE, inanunsyo na makatatanggap ng double pay ang mga manggagawa sa Miyerkules, June 28

Facebook
Twitter
LinkedIn

Good news para sa ating mga manggagawa dahil inanunsyo ng Deparment of Labor and Employment (DOLE) na makatatangap ng double pay ang mga manggagawang magtatrabaho sa mismong araw ng June 28 kasunod ng paggunita ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ang mga empleyado na papasok o magtatrabaho sa nasabing araw ay pagkakalooban ng 200 percent ng kanilang arawang sahod.

Kaunay nito ang mga magtatrabaho naman ng mahigit walong oras o mag-oovertime sa mismong araw ay magkakaroon ng karagdagang 30 porsyento ng bawat oras na kita.

Habang ang mga manggagawang hindi papasok sa trabaho ay makatatanggap pa rin ng 100 percent ng kanilang sahod sa naturang araw. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us