Nagsimula na rin ang bakunahan ng Bivalent COVID-19 vaccines sa Lungsod ng Valenzuela.
Isinagawa ang pagbabakuna sa unang batch ng health workers sa Our Lady of Fatima University RISE Tower, Barangay Marulas.
Ayon sa pamahalaang lungsod, dahil limitado pa ang bakuna ay tanging mga edad 18 pataas na health workers sa mga ospital sa Valenzuela ang maaaring makatanggap ng bivalent vaccine.
Kinakailangan ding apat hanggang anim na buwan na ang nakakalipas matapos matanggap ang 2nd booster dose.
Para sa mga interesado mula sa nasabing priority group, maaaring makipag-ugnayan sa inyong ospital tungkol sa pagpapabakuna nito. | ulat ni Merry Ann Bastasa