Bahagya pang bumaba ang COVID-19 positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19 sa Metro Manila, ayon sa OCTA Research Group.
Sa datos na inilabas ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, as of June 24, ay bumaba sa 6% ang positivity rate sa NCR mula sa 7.2% noong June 17.
Bukod naman sa Metro Manila, nakapagtala rin ng pagbaba sa 7-day positivity rate ang marami pang lalawigan sa Luzon kabilang ang Bataan, Batangas, Bulacan, Camarines Sur, Cavite, La Union, Laguna,Oriental Mindoro, Palawan, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, Tarlac, at Zambales.
Maging ang 7-day testing positivity rates sa Cebu at Davao del Sur ay nasa low risk na rin o mas mababa na sa 5%.
Samantala, nagkaroon naman ng uptick sa COVID cases sa Benguet at Cagayan maging sa Agusan del Norte at Zamboanga del Sur. | ulat ni Merry Ann Bastasa