DSWD, nakapaghatid na ng ₱3.2-M halaga ng ayuda sa mga naapektuhan ng pagbaha sa SOCCSKSARGEN

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa ₱3.2-M ang halaga ng relief assistance na nailaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa SOCCSKSARGEN region bunsod ng pag-iral ng ITCZ mula noong nakaraang linggo.

Kabilang sa ipinamahagi ng ahensya ang family food packs at non-food items na ipinadala bilang resource augmentation sa mga lokal na pamahalaan sa Cotabato at Sarangani.

Tuloy tuloy naman ang ginagawang validation ng DSWD Field Office (FO) XII sa mga apektadong pamilya pati na rin ang profiling sa Internally Displaced Persons (IDPs) na kasalukuyang nasa evacuation centers.

Sa pinakahuling ulat ng DSWD, nasa 19,124 pamilya o katumbas ng 92,319 indibidwal ang apektado ng pagbaba sa mga munisipalidad ng Kabacan, Pikit, at Glan.

Aabot rin sa 251 pamilya o 612 indibidwal ang nananatili pa rin sa evacuation center sa Glan, Sarangani Province. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: DSWD XII

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us