Kauna-unahang Seafarer Jobs Fair 2023, isasagawa ng Department of Migrant Workers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ng kauna-unahang Seafarers Jobs Fair ang Department of Migrant Workers (DMW) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Day of the Seafarer.

Layon nitong mabigyan ng oportunidad ang mga indibidwal na nais magtrabaho sa ibang bansa bilang marino.

Ayon sa abiso, isasagawa ang naturang jobs fair sa DMW Office, Blas F. Ople Building sa Mandaluyong City sa Miyerkules (June 28).

Para sa mga interesadong aplikante, kinakailangang magdala ng maraming kopya ng resume o biodata, kopya ng pasaporte, ballpen, facemask at alcohol.

Hinihikayat din ng DMW ang mga aplikante na lalahok sa aktibidad, na magsuot ng angkop na kasuotan at panatilihin pa rin ang paggamit ng face mask sa araw ng jobs fair. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us