Pabor na ang Department of Health (DOH) at Philippine Medical Association (PMA) na ideklarang gamot ang marijuana sa bansa.
Sa Media Health Forum, sinabi ni Dr. Gen Mutia, Founder ng Philippine Society of Cannabinoid, nagkasundo ang DOH at PMA na suportahan ang panukalang batas na nagsusulong na alisin ang marijuana bilang dangerous drugs.
Ginamit ng DOH at PMA ang maraming pagsusuri na nakagagamot ng maraming sakit ang cannabis, hindi lang sa Pilipinas bagkus maging sa ibang bansa.
Ngunit tutol ang mga medical practitioner na magtanim dito sa Pilipinas ng marijuana dahil posibleng maabuso ito.
Tanging ang pag-import ng mga sangkap ng marijuana sa bansang Britanya ang nais mangyari ng PMA.
Tutol naman dito ang ilang cannabis advocates, dahil magiging anti-poor umano kung papayagan ang suhestiyon ng PMA. | ulat ni Michael Rogas