Implementasyon ng number coding scheme, suspendido sa Miyerkules para sa pagdiriwang ng Eid’l Adha — MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendio ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Miyerkules.

Batay sa abiso, suspendido ang implementasyon ng expanded number coding scheme sa Miyerkules, June 28 bilang pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Una na rito ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Proclamation 258 na nagdedeklara sa June 28 bilang regular holiday.

Ang Eid’l Adha ay kabilang sa dalawang islamic holidays na ipinagdiriwang sa buong mundo kada taon.

Pinapayuhan naman ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us