Resolusyon para sa suspensyon sa prangkisa ng Cebu Pacific, pormal na inihain sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain na si Cagayan de Oro City 2nd District Representative Rufus Rodriguez ng resolusyon upang pormal na hingin sa Kongreso na suspindihin ang legislative franchise ng Cebu Pacific dahil sa aniya ay ‘terrible’ service nito.

Sabado nang ihain ng mambabatas ang House Resolution 1101, kung saan ipinunto nito na ang ibinibigay na prangkisa ng kongreso sa isang pribadong kumpanya ay para sa benepisyo ng publiko.

Ngunit hindi aniya ganito ang kasi ng Cebu Pacific na mayroong ‘unsatisfactory service’ sa publiko.

Kabilang aniya dito ang flight delays at cancellation at mabagal na customer service.

Maliban sa mga pangit na karanasang ibinahagi ng ilang pasahero sa pagdinig ng Senado hinggil sa naturang isyu, mismong ang asawa ni Rep. Rodriguez ay nakaranas ng tatlong oras na delay sa biyahe mula Cebu papuntang Cagayan de Oro.

Dumalo aniya ang kaniyang may-bahay kasama ang ilang kaibigan para sa kanilang class reunion nang ma-delay ang flight nang walang paabiso o paliwanag.

Tanging tubig at biskwit lamang din aniya ang ibinigay sa kanila sa kanilang paghihitnay.

Isa pa sa tinukoy ng Mindanao lawmaker ay ang isang pasahero na muntik nang hindi makakuha ng kanilang dentistry board exam, matapos iurong ng apat na araw ang kanilang flight mula Dumaguete patungong Mauynila, nungit nagulat na lamang nang ang kaniyang tiyahin mula Australia ay nakakuha pa rin ng flight para sa araw na iyon na mas mahal ng P10,000.

Batay aniya sa financial statement ng Cebu Pacific, lumaki ng 270 percent o P1.45 billion ang revenue ng CebPac mula sa rebooking, refund at cancellation fees.

Kaya hirit ni Rodriguez, na suspindihin ang prangkisa ng airline hanggat hindi nito naaayos ang serbisyo. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us