Mga senador, umapelang huwag nang pansinin ang pang-iintriga sa liderato ni Senate President Zubiri

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakiusap ang ilang mga senador na tigilan na ang pang-iintriga tungkol sa pagpapalit ng senate leadership.

Ayon kay Senadora Imee Marcos, wala namang nakarating sa kanya na ganitong impormasyon.

Sinabi ni Marcos na dapat nang tigilan ang intriga at maraming trabahong dapat mas pagtuunan ng pansin.

Umapela rin si Senadora Nancy Binay na huwag nang i-entertain ang ganitong mga intriga na hindi naman nakakatulong sa Senado.

Wala rin aniyang natatanggap na ganitong impormasyon si Binay.

Pinahayag ng mambabatas na masaya sila sa kasalukuyang liderato at lahat silang mga senador ay buo ang tiwala at kumpiyansa kay SP Migz.

Maging si Senador Francis Tolentino at Senador Bong Go ay walang nababalitaan na pagbabago sa Senate leadership.

Giniit ni Go na ang kasalukuyang senado ay independent at mayroon silang consultative, energetic at patas leadership.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us