Hinikayat ngayon ng Valenzuela City local government ang mga taxpayer nito na sulitin ang iniaalok nitong amnesty program sa pagbabayad ng amilyar.
Kasunod ito ng pagpasa sa City Ordinance no. 1100, s.2023 kung saan principal tax na lamang ng delinkwenteng ari-arian ang kailangang bayaran at wala nang babayarang penalties, surcharges, o interest.
Pasok ito para sa mga hindi nakapagbayad ng real property tax na nakaklasipikang residensyal, komersyal o industriyal.
Hindi naman saklaw nito ang mga ari-ariang naipagbili na sa public auction, mga nasa ilalim ng nakabinbing kaso at ari-arian na sumailalim sa prosesong expropriation.
Ayon sa LGU, maaaring i-avail ang amnesty sa amilyar sa pamamagitan ng pagbabayad online gamit ang 3S Plus Online Payment System (www.valenzuela.gov.ph) hanggang September 30, 2023. | ulat ni Merry Ann Bastasa