Kauna-unahang SEAMEO INNOTECH Youth-Led Summit, inilunsad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal nang nagbukas ang kauna-unahang Youth Summit na inorganisa ng Southeast Asian Ministers of Education Organization – Regional Center for Innovative Educational Technology (SEAMEO INNOTECH) sa Quezon City.

Nagtipon-tipon dito ang nasa higit 160 youth leaders mula sa 10 ASEAN member-countries kabilang ang Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Timor Leste, Vietnam, at Pilipinas.

Present din dito si SEAMEO INNOTECH Center Director at dating Education Secretary Leonor Magtolis Briones, maging ang ilang kinatawan mula sa Ministries of Education, DepEd Assistant Secretary Dexter Galban, at UNICEF Philippines Chief of Education Isy Faingold.

Layon ng 2-day summit na magbigay ng plataporma para sa youth leaders sa ASEAN na talakayin ang usapin hinggil sa kanilang papel sa paghubog ng edukasyon sa rehiyon.

Ayon kay SEAMEO INNOTECH Center Director at dating Education Sec. Briones, inaasahan rito ang pagbabahagi ng mga kabataan ng kanilang mga ideya, youth-led concrete actions at mga rekomendasyon sa policy makers kung paano mapapabuti ang antas ng edukasyon hindi lang sa loob ng eskwelahan, kundi maging sa komunidad at sa bansa.

Marami na kase aniyang kailangang baguhin sa educational system gaya sa curriculum, at pagsusulong ng mga innovation.

Ang mga rekomendasyong ito ay isusumite naman sa United Nations maging sa iba’t ibang government bodies para sa action plan.

Tatagal ang summit hanggang bukas, June 28. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us