Kauna-unahang seafarers job fair ng DMW, inilunsad ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binuksan ngayong umaga ang 1st Seafarers Job Fair 2023 sa tanggapan ng Department of Migrant Workers sa Mandaluyong City bilang bahagi ng selebrasyon ng Day of the Seafarer.

Nasa higit 1,500 job vacancies ang alok ng locally-based 25 manning agencies.

Kabilang na rito ang trabaho sa mga traditional vessel gaya ng tanker, container, at cargo.

May alok din na higit 19 maritime positions mula messman hanggang sa master at 50 non-maritime positions tulad ng kusinero, baker, store keeper, steward at butcher.

Ayon kay DMW Usec. Hans Leo Cacdac, inaasahang nasa 10%-20% ang hired on the spot habang nasa 80% ang inaasahang pababalikin sa manning agency.

Aniya, target na abutin ng 4-5 days ang papgproseso sa mga aplikante. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us