QC LGU, handa nang tumanggap ng application para sa StartUp QC Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa na ang Quezon City Government na tumanggap ng mga aplikasyon para sa bagong batch ng incubatees o Cohort 2 ng Startup QC Program.

Ang programa ay naglalayong pasiglahin ang lokal na ekonomiya at magdulot ng positibong pagbabago sa lungsod.

Ito’y sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga kwalipikadong negosyante ng equity-free financial grant na hanggang Php1 million.

Ang programang ito ay naaayon sa bisyon ni Mayor Joy Belmonte na gawing startup at innovation capital ng Pilipinas ang Quezon City.

Para sa initial run, limang (5) startups ang napili na maging bahagi ng StartUp QC’s first cohort noong Mayo 11 sa paglulunsad ng programa.

Kinabibilangan ito ng Bamboo Impact Lab, EdukSine, Indigo AI Research, ITOOH Homestyle, at Wika.

Para sa pangalawang Batch , ang application period ay hanggang Hulyo 12, 2023 lamang.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us